Linggo, Disyembre 4, 2011

Introduksyon

Ang Theodouloi ay isang publikasyon para ikalat ang kaalaman tungkol sa Simbahang Ortodoxa (Orthodox Church) sa Pilipinas.

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga Pilipino ang Kristiyanismo. Marami na ring nakaaalam na mayroong mga simbahan at komunidad ng Ortodoxo sa Pilipinas. Ngunit kakaunti pa lamang ang nakaaalam kung ano ang Simbahang Ortodoxa, kung ano ang Ortodoxia, at kung ano ang mga pinananampalatayanan ng mga Ortodoxo sa Pilipinas. Kaya't nagtaguyod kami ng newsletter upang ipamahagi sa mga kasapi at maging sa mga hindi-kasapi.

Marahil sa susunod na linggo na (11 Disyembre) ang labas ng unang edisyon. Ilalathala namin ito online isang linggo pagkatapos ilabas ito sa print, samakatuwid, 18 Disyembre.

Maraming salamat sa pagtunghay sa amin!

PS. Dahil sa kaunting mga sagabal, minarapat naming itaon na lamang sa 1 Enero ng susunod na taon ang labas ng newsletter. Salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento